WELCOME

We welcome you to the family of Madre Giuditta Martelli School, an institution with a family atmosphere to continue the warmth a child receives from his home. In our school, each child who brings from his family fresh memories of child play, family interaction and spoon feeding experiences in a unique person and is being loved and his capacity to love will be developed. Each child will learn to exercise several virtues while gaining some skills and achieving academic excellence.

Our school foster a real thrust of values education where each child will be oriented towards the goals worth aiming for in life. He will have an enhancing experience of Christian values where trust and sense of belongingness grow. We help budding geniuses to grow and guide them to discover the joy of cooperation and competition in child interaction.

The MGMS family in collaboration with you, Parents and friends, aim to give not only a complete educational experience of excellence, discipline and good moral values to your children but also to nourish a sense of direction which will lead them to live as good Christian when they become adults someday.

Let us be united in paving the path for our children through the intercession of Madre Giuditta Martelli, and through the guidance of the Holy Spirit who will journey with us for the bright future of our children.


Wednesday, August 10, 2011

Isang Pagpupugay sa Wikang Filipino. Agosto, Buwan ng Wika

  “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at  malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng  inang sa atin ay nagpala.” Ito ang mga tanyag na katagang  nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose P. Rizal na nagbibigay importansya sa kahalagahan ng wika sa buhay ng isang tao.
          Ang wika ng isang bansa ay masasabi natin na kaluluwa ng isang bansa na siyang nagbibigay buhay dito. Ito ay nagsisilbing tulay na siyang nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan nito, ang pagkakaisa at pagkakaunawaan sa bawat tao ay lalong yumayabong. Ito rin ang nagsisilbing susi ng ating pagkakakilanlan, sa pamamagitan nito, nakikilala ng ibang tao kung sino tayo.
          Ang importansya upang lalong paunlarin at palawakin ang ating pambansang wika ay matagal nang binibigyang pansin ng mga namumuno sa ating bansa. Sa Pilipinas mayroon tayong higit sa isang daang klase na lengguahe na ginagamit mula Batanes hanggang Tawi-tawi, ngunit ang pambansang wikang “Filipino” pa rin ang siyang mas malimit na ginagamit at mas naiintidahan sa buong kapuluan.
          Sa ating mayamang salita, madali nating makikita ang iba’t-ibang impluwensya na siyang nakapagbago at humulma sa pagkatao ng mga Filipino. Samakatwid ang wika rin ay maari ring maging batayan ng ating nakaraan at kultura.
          Kaya ang “Buwan ng Wika” ang isa sa mga pagkakataon natin upang ito ay pagyabungin at ipagmalaki. Pagkakataon din ito upang iparating sa  ating mga kababayan na ang ating pambansang wika ay hindi lamang para sa pakiki-pagkomunikasyon ngunit siya ring pundasyon ng ating pagkakakilanlan bilang isang indibidual at bilang isang bansa.



Buwan ng Wika 

No comments:

Post a Comment